Total Pageviews

Wednesday, July 19, 2017

NELSON RAMIREZ PABOR SA BLACKLISTING


 


Isa na naman na nakakapagtaka na gawin ng bogus na union na UFS at ni Nelson Ramirez.

Kung babasahin ng Maigi at sa tono ng pananalita nya eh hindi sya pabor na magreport at mag sumbong sa ITF (international na union ng mga marino) yung mga naaping crew na marinong pinoy. Naturingan na "Worker's Union" ang UFS pero ayaw nila at dinidiscourage

BAKIT KAYA ???? Dahil ba sa payolang pera na binibigay sa kanya ng mga balasubas na mga shipping company O di kaya eh naiingit sya na mas sikat, Kilala at mas makapangyarihan ang ITF at di nasusuhulan ? O siguro combinasyon ng dalawa ?

Alam na namn natin sa simula na ang UFS at si Nelson Ramirez eh nasusuhulan kaya malaki ang possibilidad na ito ay dikta ng mga balasubas na shipping company at ship owners sa kanya., Syempre nga naman ang ITF eh hindi kaya nilang suhulan at tiyak na hindi uubra ang yung black mailing din kasi eh international organization na yun (not to mentional global union sya) at kung masuhulan man nila eh hindi sya basta basta na maliit na halaga ang isusuhol nila kumpara sa UFS at kay Nelson Ramirez na konting "Advertisement" lang sa dyaryo nya eh tatalikuran at huhudasin na nya ang kapwa nya Marinong pilipino.

Ang Nakakapag isip pa dito eh sinsabi ni Nelson Ramirez na "advocate" daw sya ng seafarers right ., pero kung titignan ang tono ng pananalita nya eh halos ayaw nya na ang mga marino eh mag sumbong sa ITF para ipaglaban nila ang karapatan nila at sa halip eh pinag babantaan nya pa ang mga marinong Pilipino na pag nagsumbong sila eh lifetime na blacklisting ang aabutin at kick out na sa pagseaseaman.  At dinadagdag pa nya na kahit bawal na ang blacklisting sa seaman dahil sa MLC eh practice parin ng mga balasubas na shipping agency at "UNWRITTEN CODE" na pagpapa blacklist sa seaman.

Ngayon eto ang tanong ., Alam pala ni Nelson Ramirez na meron ganitong illegal na gawain ang mga balasubas na shipping company eh bakit wala syang imik at sa halip eh mukhang pang pabor pa sya sa ganitong unethical na gawain ? Syempre alam naman natin ang tunay na dahil - sya ay nabayaran na ng mga balasubas na shipping company.

I.T.F. na union na nagsabi na illegal at bawal ang pag blacklist ng seaman

MLC na batas ,nagsabi rin na illegal at bawal ang pag blacklist ng seaman

Ngunit sa UFS at kay Nelson Ramirez eh Ok lang at carry na carry lang kasi kumikita sila sa ganun illegal na gawain ng mga shipping companies


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.